http://pinoyshowbiznews.blogspot.com News Feed

DANYL JOHNSON..the next Susan Boyle?

The video of Danyl Johnson performing the Beatles’ “With a Little Help From My Friends” on the British talent show “The X Factor”


Good things come to those who wait..DAHIL MAY ISANG IKAW...

Philippine Cinema's best Actors and Actresses in one beautiful and touching teleserye..DAHIL MAY ISANG IKAW..priceless..

BEBE GANDANGHARI live on The Buzz!

Sunshine Dizon, umamin na tungkol sa ex ni Angelu de Leon

Next week ay final week na ng impostora at nakapag last taping day na sila nong nakaraang Wednesday. Medyo may lungkot sa mga mata ni Sunshine Dizon dahil muli na namang natapos ang isang TV show na kanyang minahal.

Sey ni Sunshine ay parati naman daw siyang nalulungkot kapag may TV show siyang magtatapos na.

Masyado raw kasi siyang nagiging close sa mga katrabaho nya mapa artista o production staff man ito.

"Malungkot and at the same time, may saya rin because magtatapos and Impostora na maganda ang kinalabasan," ngiti ni Sunshine. "In the last two weeks, nag-top sa ratings and Impostora and that is all because of the great story na meron kami.

"Aminado kami na noong simula, hindi masyadong na grasp agad ng mga tao ang istorya namin. Pero nito lang, tumutok na sila and we're very thankful sa mga televiewers who made us number one sa oras namin even for just two weeks. Malaking bagay na sa amin iyon."

Plano ngang magbakasyon muna ni Sunshine for one month bago siya magsimula sa bago nyang soap drama.

May nakahanda na daw para sa kanya pero wala pang clue si Sunshine kung ano ito.

"Sinasabihan na ako and excited ako to start a new soap drama. Wala pa akong masyadong alam sa bago kong show pero knowing GMA-7, maganda na naman ito at kaabang abang.

"Magbabakasyon muna ako para naman makapag prepare na rin. Hindi biro itong taping namin ng Impostora kasi halos everyday kami nagtrabaho. Ngayon, bakasyon muna kaming lahat."

Isa rin sa goals ni Sunshine ay ang makabalik sa school. Nag i-inquire na raw siya regarding Open University ng U.P. Diliman. Gusto niyang makakuha ng anu mang kurso para naman makapagsimula na siya sa kanyang planong makapagtapos ng college.

"Marami namang may alam na gusto ko talagang makabalik ng school. I want to finish a college degree pero ito naging sunud sunod ang mga trabaho ko. Before Encantadia ko pa pinlano na bumalik sa pagaaral pero sayang naman ang mga opportunities na dumarating.

"Pero this time, kaya ko nang ibalanse lahat."

Kung masusunod lang si Sunshine at hindi maging sagabal ang kanyang schedules, gusto rin nyang maka take up ng isang culinary course.

"I love cooking and baking noon pa. Hindi ko lang talaga matutukan because of work. Pero this time, parang gusto ko nang ituloy. Na-miss ko na ang mag ikut ikot sa kusina.

"Sabi ko sa inyo, marami akong gustong gawin and I want to so all that habang kaya ko pa at habang may means ako na gawin lahat iyon."

Pero sa personal life ni Sunshine, mukhang okey din naman lahat. Lumabas na ang balitang may relasyon siya sa businessman na si Jojo Manlongat. Hindi masyadong nagkukunwento si Sunshine tungkol sa kanyang lovelife ngayon pero hindi naman nagdamot si Sunshine sa pagkakataong ito.

"Sino si Jojo Manlongat sa buhay ko?Well he's someone who's there for me right now. Hanggang doon nalang siguro ang pwede kong masabi. Jojo kasi is not from showbiz kasi and alam naman ng marami how private I am with my lovelife. I guess I want to keep that part of myself private. Pero masaya ako sa nararamdaman ko ngayon."

Sa panulat ni Ruel Mendoza, Bulgar

"My hopes still high" - Noli Eala

Matapos ang ilang taong paglilingkod sa mundo ng basketbol, tuluyan nang namaalam si Noli Eala bilang commissioner ng Philippines Basketball Association upang pagtuunan ang kanyang personal ng buhay.

Kasabay ng kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng prestihiyosong liga ng bansa na tunay na naging bahagi na ng kanyang buhay, nagpasalamat ang 44-anyos na si Eala sa lahat ng taong naniniwala sa kanyang kakayahan at abilidad sa loob at labas ng industriya ng basketbol.
"I believe in the biblical edict, let he who is without sin cast the first stone, rather than pick-up the stones cast at me and throw them back, I have decided to walk away keeping my dignity intact and my hopes still high", pahayag ni Eala.
Malaki ang naiambag ni Eala sa palakasan kung saan naging bahagi ng pagbuo ng bagong asosasyon ng Pilipinas - ang Basketball Association of the Philippines-Samahang Basketbol ng Pilipinas na nangangalaga sa kasalukuyan sa kapakanan ng basketbol sa bansa.

Hindi iniwanan ni Eala sa hirap at ginhawa ang pakikibaka ng pambansang koponan sa nakalipas na '07 FIBA-Asia Men's Championships sa Tokushima, Japan kung saan nagtapos ang Pilipinas bilang 9th place mula sa inaasahang pagsikwat ng silya sa 2008 Beijing Olympics.

Gayunpaman, umuwing taas-noo ang National Basketball Team bitbit ang mapapait na karanasan ngunit may magandang naidulot sa kanilang pagkatao bilang basketbolista.

Sa inilabas na statement kamakalawa, inihayag ni Eala na patuloy ang gagawing pakikibaka upang masolusyunan ang gusot sa personal na buhay na itinuturing na malaking pagsubok at sa kanyang pamilya.
"I stand by my decisions in the past comforted by the fact that I have taken care of my family and children, and made peace with those I have aggrieved. I leave the PBA cognizant and gratified that I have turned things around with the help of the PBA Board, my hardworking staff and the greatest players any commissioner can ever have. Today, the PBA has scaled new heights and reached new goals, financially stable, organizationally sound and still the biggest sports entertainment property of the Philippines."
" I thank all of the people who have supported me in my tenure as Commissioner. Most especially, my thanks to the many players and fans who have kept the faith in me. I take refuge finally in the knowledge that my family, true friends and especially my children have stood by me despite all that has been and will be. I now appeal to all to allow me and my loved ones to deal with this very personal ordeal privately and in our own time," dagdag pa ni Eala. (EN, Bulgar)

And in another forum, they have a link showing Noli Eala's rumored 'girl' : http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=18&t=77165&start=15&st=0&sk=t&sd=a

Dating aktres, ibinahay na, misis nilayasan na ni Kong!

Nagsasama na ngayon na parang legal na mag-asawa ang isang Visayan Solon at isang dating aktres matapos hiwalayan ng una ang kanyang asawa kapalit ng huli.

Bagama't tanggap na raw ng dating asawa ni Visayan Solon ang kanilang paghihiwalay, naghahabol naman sa ngayon ang babae sa kanilang 'conjugal property' at pormal na itong naghain ng petisyon sa korte.

Nagsimula ang relasyon ng kongresita sa dating aktres na naging kontrobersiyal din dahil nakabilang sa koleksiyon ng super-guwapong dramatic actor na dating asawa ng mega-sikat na aktres at umayaw na rin sa pagiging artista.

Sa party ng isang commong friend nagkatagpo sina Visayan Solon at Former Actress at simula noon ay umusbong na ang pagmamahalan ng dalawa sa kabila ng pagkakaroon ng asawa ng kongresista habang si Former Actress naman ay maituturing walang sabit.

Bumili pa raw ng condo unit si Visayan Solon para maging pugad ng pag-iibigan nila ni Former Actress bagamat libre namang pumunta ang una sa bahay ng huli dahil tanggap naman ito ng pamilya.

Bilang patunay na walang problema sa pamilya ni Former Actress ang pakikipag relasyon nito kay Visayan Solon, pumayag silang ang mambabatas ang gumastos para sa isang malaking okasyon para sa anak na babae.

Siyempre, present si Visayan Solon sa nasabing okasyon at tila proud pa ang pamilya ni Former Actress na ipakilala at iharap sa kanilang mga bisita na dumalo ang bagong nagpapaligaya sa kanilang pamilya.

Nanag makumpirma naman ng asawa ni Visayan Solon ang relasyon nito sa isang babae, tumakas umano ito sa kanilang bahay at nangibang-bansa para naman kunin naman ang sa paniwala niya'y parte ng kanilang conjugal property.

Si Visayan Solon ay kabilang sa sikat na sikat na pamilya na bukod sa pagkakadawit sa isyu ng pera ay nasasabit din sa tsismis ng pagiging mahilig sa chicks. Sige, pag-igihan ninyo basta 'pag nagisa kayo hindi kayo mag-i-invoke ng inyong right to privacy!

Mas ma-IGI bang GRACE, este, grasya 'yan sa GABI?

Ni Romer R. Butuyan, Bulgar

PBA Commissioner Noli Eala, tinuluyan!


Tinanggalan ng lisensiya ng Supreme Court (SC) bilang abogado si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Jose Emmanuel "Noli" Eala. Batay sa 9-pahinang per curiam decision, pinawalambisa ng SC ang resolution ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Enero 2006 na nagbabasura sa disbarment case laban kay Eala dahil sa kawalan ng merito. Napatunayan ng korte na nagkasala si Eala ng pakikiapid sa isang may asawa ring babae. Sinabi ng SC na isang pambabastos sa institusiyon na sagrado sa batas ang ginagawa ni Eala kaya hindi nararapat na maging isang abogado. Iginiit pa ng SC na hindi itinganggi ni Eala ang pagkakaroon ng maling relasyon at depensa nito na hindi nya kailanman inilantad ang kanilang relasyon. Ipinaliwanag naman ng Mataas na Hukuma na hindi na mahalaga kung inilihim ni Eala ang kanilang relasyon dahil ang pinag-uusapan ay ang pagkakaroon ng sexual relasyon ng isang may-asawang abogado sa isa ring may-asawang babae. Kinasuhan si Eala ni Joselano Guevarra, dahil sa gross immorality bunsod ng pakikipagrelasyon nito sa asawa ng complainant kung saan nagkaroon pa sila ng anak, matapos maghiwalay ang complainant at kanyang misis. (Z. Esguerra, Bulgar)

Search for your favorite stars here (i.e. Judy Anne Santos, Richard Guttierez, Dingdong Dantes, Marianne Rivera etc.)

Video Bar

Loading...
Loading...