Sey ni Robin, hanggang kotse lang sila ni Mariel

Hindi raw totoong 'di na siya umuuwi gaya ng ibinulgar ni Queenie.....
Inamin ni Robin Padilla kung gaano kalakas ang tama niya kay Mariel Rodriguez, sa unang pagkakita palang daw niya sa magandang co-host ng Wowowee ay may kumuryente na agad sa kanya,
pero ayon sa sikat na action star hanggang sa isip pa lang 'yun at hindi pa sa puso.
"Ayoko munang pumasok sa eksena hanggang hindi pa maayos ang problema nila ni Zanjoe, kontra 'yun sa Islam, 'yung manghihimasok ka sa isang relasyon na meron pang pananagutan ang babae sa isang lalaki." katwiran ni Robin.
Pero hindi niya itinatago ang matindi niyang paghanga kay Mariel, "Ni hindi ko nga siya matignan nang mata sa mata, masyado akong natutunaw, bumabasa kasi ang mga mata ni Mariel. Nababasa niya ang nasa utak ko, nalalaman niya ang nararamdaman ko, kaya patagilid ko lang siyang tinitignan, hindi diretso sa mga mata niya. " pag-amin pa ng simpatikong aktor.
Kinausap ni Robin ang kanyang panganay ng si Queenie dahil sa sinabi ng dalaga na mula nang maugnay siya kay Mariel ay bihira na siyang umuwi sa kanilang bahay.
"Hiyang-hiya ako sa pamilya ni Mariel, nahihiya ako kay Mariel, dahil sa sinabi ng anak ko. Kaya nu'ng magkausap kami ni Queenie, sinabi ko sa kanya na mag ingat-ingat siya sa pagbibitiw ng mga salita dahil nasa showbiz siya, anumang sabihin niya, nagmamarka 'yun!
"Hindi pa kami umaabot sa ganu'n, hanggang sa paghahatid pa lang sa kotse niya ang nagagawa ko kay Ma'am Mariel, hiyang-hiya ako sa pamilya niya, ayokong isipin nila na hindi inirerespeto si Mariel," panghihingi ng dispensa ni Robin.
Nu'ng dumating kami sa studio ng pamosong photographer na si Jun de Leon kung saan kinunan ang mga posters niya para sa Talk & Text, dapat sana'y pagod na pagod na si Robin dahil tanghali pa lang ay nagpipiktoryal na siya, pero nawala 'yun kapag si Mariel ang nagiging paksa namin.
(- Mula sa artikulo ni Christy Fermin na Most Wanted sa pahayagang Bulgar, Hunyo 9, 2010)

1 comment:

tsismoso bebe said...

Living by the right conduct. Idol talaga kita idol!

PEP News Feed

Wednesday, June 9, 2010