PBA Commissioner Noli Eala, tinuluyan!

Tinanggalan ng lisensiya ng Supreme Court (SC) bilang abogado si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Jose Emmanuel "Noli" Eala. Batay sa 9-pahinang per curiam decision, pinawalambisa ng SC ang resolution ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Enero 2006 na nagbabasura sa disbarment case laban kay Eala dahil sa kawalan ng merito. Napatunayan ng korte na nagkasala si Eala ng pakikiapid sa isang may asawa ring babae. Sinabi ng SC na isang pambabastos sa institusiyon na sagrado sa batas ang ginagawa ni Eala kaya hindi nararapat na maging isang abogado. Iginiit pa ng SC na hindi itinganggi ni Eala ang pagkakaroon ng maling relasyon at depensa nito na hindi nya kailanman inilantad ang kanilang relasyon. Ipinaliwanag naman ng Mataas na Hukuma na hindi na mahalaga kung inilihim ni Eala ang kanilang relasyon dahil ang pinag-uusapan ay ang pagkakaroon ng sexual relasyon ng isang may-asawang abogado sa isa ring may-asawang babae. Kinasuhan si Eala ni Joselano Guevarra, dahil sa gross immorality bunsod ng pakikipagrelasyon nito sa asawa ng complainant kung saan nagkaroon pa sila ng anak, matapos maghiwalay ang complainant at kanyang misis. (Z. Esguerra, Bulgar)

No comments:

PEP News Feed

Thursday, August 2, 2007