Angel Locsin Kapamilya Na?

Kinumpirma na nga ng Manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila sa isang interview nito kay Boy Abunda sa TV Patrol World noong July 20 ang pakikipag usap nito sa management ng ABS CBN tungkol sa mga posibleng proyekto ni Angel sa nasabing network.

Ayon kay Becky ay in-offer lang daw nya ang services ng talent nya na sa kanyang palagay ay trabaho lang naman talaga nya bilang manager ang tignan kung saan mas may magandang chances ang kanyang alaga.

Ngayong araw ay lilipad si Becky patungong London upang kitain doon si Angel na may planong kumuha ng isang short course on Fashion Design. Mga two weeks lang daw ang itatagal nila doon at agarang babalik pagkatapos ng kurso ni Angel doon.

Ayon sa Philippine Entertainment Portal (PEP), isang ABS CBN insider ang nagsabing inihahanda na daw ang kontrata ni Angel at hihintayin nalang ang pagbabalik nito para sa formal contract signing at pag we welcome sa kanya sa ABS CBN. Dagdag pa nito na may gagawin daw itong pelikula kasama si Piolo Pascual under Star Cinema since tapos na din naman daw ang contract ni Angel sa kanyang Mother Studio, ang Regal Entertainment.

No comments:

PEP News Feed

Saturday, July 21, 2007