Umayaw tuloy....Angel, sinagad sagad ng Syete!
Nagsalita na rin ang Manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila tungkol sa isyu at paratang sa kanyang alaga ng pagiging ingrata at kawalang utang na loob daw nito. "We really owe the network naman of Angel's popularity now. Of course, that's understandable if these issues are coming out. But then again Angel has done her part.
"Nagkatulungan naman sila. Angel has done everything that they wanted her to do and I think that's the most important part there.
"Kumbaga, binigyan ka ng trabaho, pinagbuti mo. Hindi mo nga lang pinagbuti eh, sinagad sagad mo pa ang sarili mo.
"Sa part ng GMA, siyempre, nakita naman nila ang potential ni Angel kaya ibinigay din sa kanya ang karapat-dapat na makuha nya." naging paliwanag ng manager ng aktres sa issue.
At nakita rin daw nya sa kanyang alaga na nasobrahan na rin ang pagod nito dahil nga wala namang reklamo sa anumang ibinibigay sa aktres na project. Hanggang sa nagsalita na rin daw si Angel.
"Yan ang palaging nagiging argument namin. Kasi nga, sabi nya, I'm tired, tita. I'm just gonna go home and taka a bath and then I have to leave again.'
"There was a time also na bumababa na rin yung blood pressure niya, nahihilo raw siya. Kahit na may pagka-sporty type si Angel, bumibigay din siya.
"So daddy and I saw the crucial period of Angel, she's burning out," katwiran pa ni Becky at 'yun din daw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya si Angel na magpahinga na muna at 'di na sila pumirma ng kontrata sa GMA.
Ang sinasabi nilang malalaking posibilidad ng paglipat ni Angel sa ABS-CBN ang pinakaaabangan ng lahat. Pero magiging malinaw lang 'yan sa pagbabalik ng kontrobersiyal na aktres mula sa London.
Kaya naman, maraming nakatutok at nag-aabang sa kanyang pagbabalik!
Mula sa panulat ni: Liza Endaya, pahayagang Bulgar

No comments:
Post a Comment