Judy Ann Santos, nagsalita na sa paglipat sa siyete

Nagsalita si Judy Ann Santos tungkol sa napabalitang pagpirma nya ng kontrata sa GMA-7. Nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang lumabas na balita at walang transaksiyong naganap sa pagitan nya at ng GMA.

"Actually, masyadong maganda ang relationship ko with GMA and of course, with ABS-CBN. Pero hindi ako pwedeng mag-sign sa GMA because I just renewed my contract with ABS this year. Same goes with Star Cinema," ayon kay Juday.

Pumirma si Juday ng 2-year exclusive contract sa ABS CBN last April, dalawang buwan bago pa man magtapos ang kanyang kontrata noong July. At effective ito mula July 2007 hanggang July 2009.

Wala rin daw siyang rason para maglipat-bakod dahil maganda naman daw ang ipinapakita sa kanya ng ABS-CBN.

"I've been given very good projects. In fact, nu'ng binigyan nila ako ng special, that was the only time na na-feel ko na special ako. Sa mahabang panahon na nagtatrabaho ako bilang isang artista, ru'n ko lang naramdaman na, 'Ay artista ako, sobrang thank you!" sey pa ni Judy Ann.

Pero wala rin daw siyang masasabi sa maganda ring pakikitungo sa kanya ng GMA. Katatapos lang gumawa ng pelikula ng aktres sa kanilang bakuran.

"In fairness naman sa kanila, they've been very good to me, my relationship with them. Welcome akong mag guest sa kanila...

"I don't want to burn bridges and I don't want to lose my friendship with GMA dahil wala naman silang masamang ginawa sa akin at wala silang masamang tinapay. Kumbaga, nagtatrabaho lang kami." katwiran pa ni Juday.

"Wala pong lipatan na mangyayari. Kung magkakaron man po, sa akin nyo unang malalaman, hindi bilang isang blind item, hindi bilang controversy or issue or intriga.

"Kung lilipat ako, tatlong salita lang, 'Oo lilipat ako!" Pero wala po dahil masaya ako sa ABS. I'm very much happy with the projects they're giving me," paliwanag pa ng aktres.

Maaaring pinag isipan lang daw siya na lilipat dahil sa mga bulung-bulungan ngayong tungkol sa lipatan. "Saka siguro kasi, gumawa ako ng pelikula sa GMA. And may lipatan ding nangyayari these past few weeks kaya siguro iniisip nila na may palitan na magaganap (siya, kapalit ni Angel Locsin). Pero hindi po talaga, wala pong palitang magaganap," pahayag ni Juday.

So there.

Sa panulat ni Liza Endaya, Bulgar

No comments:

PEP News Feed

Monday, July 30, 2007